NSTP
– LITERACY TRAINING SERVICE (LTS)
Bawat isa sa atin ay may karanasan na hindi natin malilimutan
tulad ko mayroon akong karanasan na hindi malilimutan, ito ang pagbabahagi ng
iyong kaalama sa iba. NSTP-Literacy Training Service (LTS), ito ang pinakamagandang
karanasan ko sa college dahil ibinabahagi namin ang aming kaalaman sa iba lalo
na doon sa mga batang hindi nakakapag-aral. Sta. Clara, Batangas City ang
napili naming lugar para doon nagturo dahil malapit lang sa paaralan
(BatStateU) at doon din nakatira ang aming leader. Sabi naman nina Ms. Karla
Hornilla, guro sa NSTP, at ng aming mga kaklase na ang mga tao doon ay
maiingay, iba ang kanilang mga ugali kaysa sa mga nasa ibang lugar at magugulo
pero hindi ko muna sila hinusgahan dahil gusto ako ang magkita na ganon ba
talaga sila.
Unang araw na namin ng NSTP sa Sta. Clara, excited na akong
makilala ang mga batang tuturuan namin. Nagulat ako ng pagdating naming doon
dahil pagbungad mo pa lang sa kanilang
lugar ay maraming tao at saka nasa kalsada ang mga bata doon sila naglalaro at
dikit-dikit talaga ang mga bahay. Pagkatapos, pumunta na kami sa napiling lugar
ng aming leader yun ay ang silid-aralan ng mga nasa kindergarten. Napakalinis
nito at maaliwalas gamitin, samantalang inihahatid naman ang mga bata ng
kanilang mga magulang. Nakakatuwa ang mga magulang nila bukod sa inihahatid
nila ang kanilang mga anak, ay sinusuportahan din nila ang aming mga ginagawa.
Pagkatapos, pinaghahati na namin ang mga bata at nag-assigned na
ang leader namin kung sinu-sino ang
tuturuan namin. Ako ay napapunta sa mga batang nasa ika-tatlo hanggang
ikalimang antas sa elementarya. Dahil ang kukuning kong major ay MATH, ay iyon
na rin ang itinuro ko sa mga bata. Minsan ay nagbibigay ako ng paligsahan sa
kanila, sobrang nag-eenjoy sila. Napakasaya ko dahil nakakatulong ako sa
kanila. Binibigyan din naming sila ng pagkain para hindi sila gutom at madali
silang makasunod sa mga itinuturo naming sa kanila.
Habang nagtatagal kami doon, tunay nga ang sinabi ng aming guro sa
NSTP na magugulo sila pero hindi ko pinapansin yun dahil pinagtutuunan ko na
lang ng pansin ay ang mga estudyante ko. Kahit na ang mga ibang bata ay sobrang
malilikot ay madali din naman silang sawayin. At maganda rin naman sa amin
itong program na ito dahil mas natutunan namin ang makasalamuha sa mga tao sa
ibang lugar at natutunan ko din na dapat mahaba ang pasensya mo dahil nga kapag
tunay ka ng guro ay hindi ka dapat gagawa ng ikakasama ng bata at sa ating
propesyon sa buhay natin kung maikli ang pasensya natin. At pinaaalala ko din
sa mga bata na mag-aral ng mabuti para matupad ang kanilang ambisyon sa buhay
at makatulong sila sa kanilang mga magulang kapag nakatapos sila.
Noong huling araw na namin sa pagtuturo sa Sta. Clara ay nagsagawa
kami ng graduation para sa mga bata doon. Mayroon ding mga medalya, at
certificate sa mga bata at sa mga magulang na tumulong sa amin kapag kami ay
nagtuturo. Napakasaya ng mga bata dahil sa mga natanggap nila at para sa amin
walang katumbas ang pagbibigay ng kaalaman sa mga bata sobrang saya namin dahil
marami silang natutunan sa amin. Kahit ako marami din akong natutunan sa mga
bata iyon. At sana maulit pa ang ganoong pangyayari dahil narealize ko na hindi
basta basta ang pagpapakahirap ng mga guro para lang natuto tayo.