Huwebes, Setyembre 4, 2014


NSTP – LITERACY TRAINING SERVICE (LTS)


Bawat isa sa atin ay may karanasan na hindi natin malilimutan tulad ko mayroon akong karanasan na hindi malilimutan, ito ang pagbabahagi ng iyong kaalama sa iba. NSTP-Literacy Training Service (LTS), ito ang pinakamagandang karanasan ko sa college dahil ibinabahagi namin ang aming kaalaman sa iba lalo na doon sa mga batang hindi nakakapag-aral. Sta. Clara, Batangas City ang napili naming lugar para doon nagturo dahil malapit lang sa paaralan (BatStateU) at doon din nakatira ang aming leader. Sabi naman nina Ms. Karla Hornilla, guro sa NSTP, at ng aming mga kaklase na ang mga tao doon ay maiingay, iba ang kanilang mga ugali kaysa sa mga nasa ibang lugar at magugulo pero hindi ko muna sila hinusgahan dahil gusto ako ang magkita na ganon ba talaga sila.


Unang araw na namin ng NSTP sa Sta. Clara, excited na akong makilala ang mga batang tuturuan namin. Nagulat ako ng pagdating naming doon dahil pagbungad  mo pa lang sa kanilang lugar ay maraming tao at saka nasa kalsada ang mga bata doon sila naglalaro at dikit-dikit talaga ang mga bahay. Pagkatapos, pumunta na kami sa napiling lugar ng aming leader yun ay ang silid-aralan ng mga nasa kindergarten. Napakalinis nito at maaliwalas gamitin, samantalang inihahatid naman ang mga bata ng kanilang mga magulang. Nakakatuwa ang mga magulang nila bukod sa inihahatid nila ang kanilang mga anak, ay sinusuportahan din nila ang aming mga ginagawa.

Pagkatapos, pinaghahati na namin ang mga bata at nag-assigned na ang  leader namin kung sinu-sino ang tuturuan namin. Ako ay napapunta sa mga batang nasa ika-tatlo hanggang ikalimang antas sa elementarya. Dahil ang kukuning kong major ay MATH, ay iyon na rin ang itinuro ko sa mga bata. Minsan ay nagbibigay ako ng paligsahan sa kanila, sobrang nag-eenjoy sila. Napakasaya ko dahil nakakatulong ako sa kanila. Binibigyan din naming sila ng pagkain para hindi sila gutom at madali silang makasunod sa mga itinuturo naming sa kanila.
Habang nagtatagal kami doon, tunay nga ang sinabi ng aming guro sa NSTP na magugulo sila pero hindi ko pinapansin yun dahil pinagtutuunan ko na lang ng pansin ay ang mga estudyante ko. Kahit na ang mga ibang bata ay sobrang malilikot ay madali din naman silang sawayin. At maganda rin naman sa amin itong program na ito dahil mas natutunan namin ang makasalamuha sa mga tao sa ibang lugar at natutunan ko din na dapat mahaba ang pasensya mo dahil nga kapag tunay ka ng guro ay hindi ka dapat gagawa ng ikakasama ng bata at sa ating propesyon sa buhay natin kung maikli ang pasensya natin. At pinaaalala ko din sa mga bata na mag-aral ng mabuti para matupad ang kanilang ambisyon sa buhay at makatulong sila sa kanilang mga magulang kapag nakatapos sila.


Noong huling araw na namin sa pagtuturo sa Sta. Clara ay nagsagawa kami ng graduation para sa mga bata doon. Mayroon ding mga medalya, at certificate sa mga bata at sa mga magulang na tumulong sa amin kapag kami ay nagtuturo. Napakasaya ng mga bata dahil sa mga natanggap nila at para sa amin walang katumbas ang pagbibigay ng kaalaman sa mga bata sobrang saya namin dahil marami silang natutunan sa amin. Kahit ako marami din akong natutunan sa mga bata iyon. At sana maulit pa ang ganoong pangyayari dahil narealize ko na hindi basta basta ang pagpapakahirap ng mga guro para lang natuto tayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento